Mga Guro at Mag-aaral nagdiriwang ng Buwan ng Wika
Kimberly A.Kadile | The SciHigh Torch - September 3, 2014
Nakaugalian na ng mga Paaralan na magdiriwang ng Buwan ng Wika taon-taon tuwing buwan ng Agosto. Sa taong ito, muling nakiisa ang paaralan ng Manjuyod Science High School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “ Wika ng Pagkakaisa”. Layunin nito’y iparating sa mga mag-aaral at mamamayang Filipino na gamitin ang wikang Filipino bilang isang instrument sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa loob ng bansa. Pormal na binuksan ang nasabing pagdiriwang sa isang payak at simpleng palatuntunan. Ginawa ito pagkatapos ng Flag Raising Ceremony. Pinangungunahan ito ni Gng. Eden R. Bajar guro sa Filipino ng nasabing paaralan,kasama ang mga opisyales ng Samafil inanunsyo ni Gng. Eden R. Bajar ang mga Gawain at pakontes kung saan magbibigay kulay sa buwanang pagdiriwang. Isa na riyan ang “Sigaw ng Puso Padala”kung saan naging daan ito upang makalikom ng pera ang paaralan at SAMAFIL para magamit sa Araw ng Kulminasyon. Nagapatawag din ng isang pagpupulong si Gng. Bajar sa lahat ng opisyales para sa bawat baitang upang maghalal ng mga opisyales para sa SAMAFIL o samahan ng mga mag-aaral sa Filipino. Sa huli, nahalal bilang pangulo si Adiel Niña Gene Balbon. Naitakda ang araw ng Agosto 31 bilang Araw ng Kulminasyon para sa Buwan ng Wika. Sa umaga pa lang ay marami ng pakontes at mga Gawain. Bawat baitang ay nakilahok sa iba’t- ibang pakontes. Sa hapon ng araw ding iyon ay nagkaroon ng parada. Iisa lamang ang parada ng MNHS at MSHS. Ipinaranda ng bawat baitang ang kanilang makukulay at malilikhaing mga Arko kasama ang kanilang mga Musa at Prinsipe na nagsuot ng magaganda at makukulay na kasuotang Pilipino. Maging ang mga guro at mag-aaral ay nagsuot din ng mga kasuotang Pilipino. Pagkatapos ng parada ay idinaraos ang Panapos na Palatuntunan. Nagkaroon ng patimpalak sa Pinakamagandang pares, Solo/Duet at Katutubong Sayaw. Si Gng. Remelou S. Medenilla ang panauhing pandangal sa nasabing palatuntunan. Nagkaroon siya ng isang mahaba at kasiya-siyang talumpati tungkol sa Wikang Filipino.
Naging Masaya at matagumpay ang panapos na programa dahil na rin sa pagkakaisa ng mga mag-aaral, mga guro at ng SAMA-FIL. Kahit natalo man ang iba sa ilang pakontes, naging masaya pa rin sila sa kanilang karanasan at nakapulot ng maraming aral.

Washington St., Sundo-an, Manjuyod, Negros Oriental, 6208 Philippines, [email protected]